Reporma!
Ito ang sigaw ng marami sa ating mga kababayang magsasaka. Ang paghahanap nila
sa pagbabago tungkol sa pag-aari ng kanilang mga lupang sinasaka. Salat sa
maginhawang buhay ang pagsasaka kaya ganito na lamang kalakas ang loob ng mga
magsasakang ipaglaban ang pagmamay-ari ng mga sakahan. Ano ba ang epekto nito
sa atin? Kapag dumating ang pagkakataong kakaunti na lamang ang mga nagsasaka,
tayo mismo ay mahihirapan din. Magkakaroon ng kakulangan sa bigas na
magreresulta sa pagtaas ng presyo nito at senyales ng nag-aambang tag-gutom.
Ito ang maaring itulong natin sa kanila:
http://www.youtube.com/watch?v=lICeu3G8Cbo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento