Martes, Marso 19, 2013

Ekonomiya by Jay-zal Fatric Torres


Ekonomiya, isang salita na nagpabago sa aking buhay. Batay sa aking pagkakaunawa, ang depinisyon ng salitang ito ay maiuugnay sa paraan ng pagpili (choosing) ng isang tao o pagdedesisyon, (decision-making). Kung susuriing mabuti, ano nga ba ang kinalaman ng isang estudyanteng katulad ko sa ekonomiyang ito? Kung tungkol ito sa pera, siguradong apektado ako ngunit ang nagpagulo sa aking isipan ay ang katotohanang ito ay hindi lamang tungkol sa pera. Paano nga ba ito nakaaapekto sa akin o maging sa iyong pamumuhay?

Gaya ng aking sinabi, ang ekonomiya sa aking pagkakaalam, ay tungkol lamang sa pera. Ngunit ang simpleng pagbili ko pala ng aking pananghaliaan sa Jollibee ay nakatutulong na sa pag-unlad ng bansa (kung ang buwis nga nito ay napupunta sa dapat kalagyan).

Sa aking pagkakaalam, tumaas di umano ang Scale of Economics ng Pilipinas dahil sa mga turistang patuloy na tinatangkilik ang likas na yaman ng ating bansa. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng paggalaw ang estado ng ekonomiya n gating bansa.

Marami ang nagsasabing mahirap ang asignaturang ito, at isa na rin ako sa kanila. Hindi ko maikakailang nakakalito ang ilan sa mga paksa ngunit sa pagkakaroon pa ng konting pag-unawa at tyaga, madaling mauunawaan ang bawat konsepto nito.

Hindi ko masasabing alam ko na ang lahat ng bagay tungkol sa ekonomiya dahil napag-aralan ko na ito. Naunawaan siguro ang ilang konsepto, oo. Ika nga nila, “Nothing is permanent except change.” Kung kaya’t marami pang mga bagay na tungkol sa ekonomiya ang maaaring matuklasan, mapatunayan at mapagtibay sa pagdaan ng panahon. Kailangan ko pa bang isaisahin ang aking napag-aralan sa asignaturang ito? Ang tungkol sa mga relationships ng supply sa demand, buyers sa sellers, elasticity, productivity, GDP o GNP? Kung nanaisin mo ay aaabutin tayo ng siyam-siyam kaya naman ang tanging maipapayo ko na lamang ay maging tapat, totoo at panatilihing malinis ang puso (hindi ako nagbibiro). Ating balikan ang mga katagang aking nabanggit. Ang Ekonomiya ay maiuugnay sa paraan ng pagpili (choosing) ng isang tao o pagdedesisyon (decision-making). Ngayon, kung ang iyong kalooban ay magiging maluwag sa paggawa ng isang desisyon, mula sa iyong sarili, makakatulong ka sa iyong bansa.

1 komento:

  1. The Star Sydney Hotel and Casino - JTG Hub
    Star Sydney Hotel and Casino · View full profile on JTG Hub. 통영 출장마사지 The Star Sydney Hotel and 서울특별 출장샵 Casino in 정읍 출장샵 Brisbane. This 수원 출장안마 4-star property features a total of 613 충청북도 출장마사지

    TumugonBurahin