Economics? Hindi ako noon
interesadong malaman kung ano ba ang mga pasikot-sikot sa ekonomiya. Ang
mahalaga lang noon ay sa bawat perang hawak ko ay may katumbas itong anumang
produktong sasapat dito. Ang pakiramdam na unti-unting humirap ang pamumuhay ang
isa sa mga dahilan kung bakit napaisip ako kung ano ba nangyayari sa ekonomiya
ng Pilipinas.
Ano nga ba ang tunay na basehan ng
pagsasabing mahirap ang ekonomiya ng bansa? Pwede bang ibase ito sa bilang ng
mga taong nagugutom, mga walang trabaho o kakulangan ng pagtugon sa pangangailangan
ng mga tao? Marami tayong reklamo sa mga bagay-bagay sa paligid natin. Pero sa
tingin ko, ang ikagaganda o ikasasama ng ekonomiya ay magsisimula sa bawat isa
dahil ang bawat indibidwal ang siyang bubuo sa sosyedad o lipunan. Kaya nasa
atin na ring mga kamay ang ating ikauunlad at ikababagsak.
Isa sa maling pananaw ko sa ekonomika
na pera lamang ang nagpapaikot rito. Maling-mali and pag-iisip ko iyon dahil hindi
lang ito tungkol sa pera. Patunay na hindi pera ang nagpapaikot sa mundo: wala
naman halaga ang pera kung wala rin namang gagamit nito dahil aanhin mo naman
ito kung wala hindi mo naman ito mapapakinabangan?
Simula ng malaman kong ang ekonomika
ay nabuo nang dahil sa pangangailangan (Demand) at pagtugon sa pangangailangan (Supply),
nalaman ko ang kahalagahan ng pagdedesisyon. Marami tayong mapagpipilian pero
dapat sa pagpili alam mo kung may kapalit itong maganda o may idudulot na bagay
na pabor sa'yo. Papayag ka bang magbayad ng P50 para sa isang pirasong
kendi/tsokolate? Ako? Depende kung yung kendi/tsokolateng iyon ay talagang
makakapagbigay kasiyahan sa akin. Bakit naman hindi diba? Pero kung ito ay
tipong basta-basta lamang, huwag na lang. Simple kung titingnan pero ang
kagustuhan ng mga tao sa isang sosyedad ay isa sa mga batayan ng kung anu-anong
mga produkto ang gagawin at mga serbisyong ibibigay.
Sa
paglipas ng panahon, alam nating maraming nagbabago. Iba’t iba na ang ating mga
pangangailangan. Anu-ano ba ang basehan ng pagbabagong ito? Nagbabago ang ating
panlasa,
kita, edukasyon, edad at hanapbuhay/trabaho.
Ang panlasa (taste) natin ay nagbabago marahil dala na rin ng panahon. Sino ba namang
magpapaiwan sa agos ng buhay? Wala naman siguro. Malaking salik sa pagbabago
ang kita at hanapbuhay. Kahit gaano mo kagusto ang isang bagay, dapat mo munang
unahin ang mga bagay na tutugon sa mga pangangailangan mo. Dito na rin nabuo
ang konsepto ng “utang.” Dahil sa sobrang kagustuhan mo sa isang bagay, naiisip
mong manghiram ng pera upang tustusan makakapagbigay sa’yo ng kasiyahan. Ang
edukasyon at edad ay nakakapagpabago rin ng pag-iisip ng tao. Totoong “We have
changing needs.” Simpleng halimbawa ay ang damit, hindi mo na naman pwedeng
isuot pa ang damit mo noong ikaw ay sanggol pa lamang sa edad mo ngayon.
Isa
pang tanong sa isip ko ay, sinong may sabing mahirap ang Pilipinas? Mayaman ang
Pilipinas. Marami tayong mga likas na yaman ngunit hindi lamang ito nagagamit
ng tama o di kaya ay "iba ang nakikinabang" dito kaya wala ring
saysay ang mga ito sa ating paningin. Sa panahon ngayon, masasabi kong may mga
magagandang pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa patuloy na pagpupusige ng
ilan sa mga sangay ng pamahalaan, unti-unti na ngang nakakabangon ang Pilipinas
sa mga pagkakautang nito. Ito ay isa sa katunayang may magandang pagbabago na
sa ekonomiya ng Pilipinas:
Noon
wala akong pakialam. Ngayon, mas bukas na ang aking isipan tungkol rito. At
dahil Pilipino ako, pipilitin kong maging salik ng mabuting pagbabago.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento