Ang Economics ay parang kurso.
Madaming iba’t ibang bagay na nilalaman pero may bagay na tinutumbok. Meron din
itong Suppply at Demand. Supply, ito ang mga bagay na magbibigay sa aming mga
estudyante ng tulong para maabot ang aming mga pangarap. At Demand, ito ang mga
bagay na kailangan namin sa pag-aaral, maaaring mga materyal na bagay at
"moral support."
Tulad sa Economics, kailangan ng
"efficiency." Kailangang maging "effiecient" ang paggamit
namin sa oras. Bilang estudyante, marami kaming responsibilidad. Nariyan ang
tambak na projects, mahabang solutions para sa isang complex problem, walang
katapusang homeworks, at marami pang iba. Kailangang maalam kaming maglaan ng
oras para sa lahat ng ito. Masasabi din talaga na, "Every second
counts."
Ang income ay parang grades. Maaari
itong tumaas at bumaba. Tataas ito kung magsusumikap kami. At bababa ito kung
ipagpapasawalang bahala namin ang aming pag-aaral. Sa amin din ito nakasalalay.
Madali maging estudyante, mahirap
maging produktibong estudyante. Sa pag-aaral, ang cost of production namin ay ang
aming oras, pagod at hirap. Kailangan naming isakripisyo ang oras na sana ay ilalaan
namin sa mga bagay na makakapagbigay kasiyahan sa amin para sa oras ng
pag-aaral namin. Sa halip na matulog ng maaga, kailngan naming magpuyat. At
matapos ang ilang oras na nanatili kami sa eskwelahan ay schoolwork pa rin ang aming
gagawin pag-uwi.
Ang product ay parang grade slip.
Kung ano ang ginawa namin, ay iyon din ang tiyak na makikita namin sa aming
grade slips. Kaya kung kami ay tatamad-tamad, tiyak na “singko” o “tres” ang
aming makikita. At kung kami naman ay magiging masikap at masipag, nakangiti
naming pagmamasdan ang “dos” o ang gintong “uno” na aming hinahangad.
Economics, isang bagay na akala
kong walang kinalaman sa pang-araw-araw kong buhay pero napagtanto kong lagi
pala itong nandito. Spend or gain. Maximize or minimize. Make something efficient
or inefficient. Lahat ng ito ay ginagawa ko sa araw-araw. Kaya ang Economics ay
kasama talaga sa pang-araw-araw kong buhay.
Tulad
ng Ekonomiya, ang takbo ng buhay ay pabagu-bago. Maaaring nasa pinakamababa ka
at nasa pinakamataas. Pero sabi nga, “nothing is permanent, except change.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento